2

Aug 6, 2020 @ 17:27
By

De Lima sa Kongreso: Magpokus sa krisis hindi sa death penalty

Hinikayat ni Senadora Leila de Lima ang kanyang mga kasamahan sa Kamara at Senado na pagtuunan muna ng pansin ang kasalukuyang COVID-19 crisis at hindi ang pagsulong sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay De Lima, sinang-ayunan niya ang unang mga pahayag nina Sens. Richard Gordon at Francis Paniglinan na hindi dapat gawing prayoridad ang death penalty bill ngayong panahong ito.

“I am in full agreement with Sens. Gordon and Pangilinan when they assert that the proposed death penalty measure should not be a priority over the COVID-19 response and recovery plans,” sabi ni De Lima.

“Sen. Gordon says, “why do we have to talk about this now?” Mismo! In fact, this issue should not be tackled at all,” sambit pa ito.

Sabi pa ni De Lima, ang panawagan ni Duterte na buhayin ang death penalty ay pagpapatunay lang na wala itong kakayanan na resolbahin COVID-19 crisis.

“Kung hindi kaya ni Duterte na pagtuunan ng pansin ang isyu ng COVID-19 at ekonomiya, mas mabuti pa na magresign na lang siya at hayaang iba na ang mamahala sa ating bansa,” sabi ni De Lima.

Hinihikayat ko ang aking mga kasamahan sa Kongreso na mag-focus muna tayo sa kasalukuyang krisis. Hayaan na muna natin ang DOJ at PNP na gawin ang kanilang mandato laban sa krimen. Huwag natin ilihis ang pansin ng ating mga kababayan,” sambit pa nito.

“Huwag naman sana kayong mga maging sunud-sunuran sa lahat ng kagustuhan ni Duterte. Pwede ba, i-defy niyo naman siya paminsan-minsan!” dagdag pa ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?