leila-de-lima
By

De Lima sa DOJ, PNP: Imbestigahan ang Kerwin-related murders

Sharing is caring!

Hinamon ni Senadora Leila de Lima si bagong Department of Justice Secretary Menardo Guevarra at incoming Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde na imbestigahan ang serye ng pagpatay sa mga taong may kaugnayan sa umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa bilang ng nakakulong na senadora, siyam na may kaanak, kaibigan, tauhan at karelasyon ni Espinosa ang pinatay.

Sa kaniyang impormasyon, walang nag-iimbestiga rito.

Tinukoy ni De Lima na pinatay ang mga sumusunod:

1. EDGAR ALLAN ALVAREZ, isa sa umano’y pinagkunan ng droga ni Kerwin, pinatay noong Agosto 11, 2016 sa loob ng Leyte Regional Penitentiary sa Abuyog, Leyte;

2. ROGELIO BATO, JR., dating abogado ni Kerwin na pinatay sa Tacloban City noong Agosto 24, 2016;

3. ANNALOU LLAGUNO, dating asawa ni Kerwin na pinatay sa Cebu City noong Setyembre 30, 2016;

4. MAYOR ROLANDO ESPINOSA, SR., ama ni Kerwin, pinatay sa loob ng kaniyang selda sa Leyte noong Nobyembre 5, 2016;

5. FERDINAND RONDINA, umano’y bagman ni Kerwin na pinatay sa Ormoc City noong Enero 6, 2017;

6. JAKE BOLANIO DELA CRUZ, bayaw ni Kerwin na pinaslang sa Davao City noong Agosto 8, 2017;

7. NELSON “Jun” PEPITO, dating driver-bodyguard ni Kerwin, pinatay noong Disyembre 1, 2017 habang nasa Albuera, Leyte;

8. JONAH JOHN UNGAB, abogado ni Kerwin na pinatay sa labas ng Cebu City Hall of Justice nitong nagdaang Pebrero 19, 2018. Ito umano ang abogado ni Kerwin noong humarap sa Senado

9. MAX MIRO, kanang kamay ni Kerwin na pinatay noong Marso 10, 2018 sa Ormoc City.

“Who are killing Kerwin Espinosa’s minions? Their cohorts in the illegal drug trade? The authorities? Kerwin’s real protectors/benefactors, which include government officials and men in the uniformed sector?” Tanong ni De Lima.

“Are there ongoing investigations, genuine ones, into these killings? What is their status?” Hirit pa ang senadora.

Si Kerwin ay testigo sa illegal drug cases laban kay De Lima. Sinabi nito sa Senado na nagbigay siya ng P8 milyon na drug money kay De Lima bilang ambag sa kandidatura nito sa pagka-senador noong 2016 elections.

“Would it be too much to ask the new DOJ Secretary, the incoming PNP Chief, and also the Senate to dig deeper into all these? FOR TRUTH’s SAKE,” sabi ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?