88
leila-de-lima

De Lima sa DOJ: Nasaan si Kerwin Espinosa?

Sharing is caring!

Ipinalilinaw ni Senadora Leila de Lima sa Department of Justice (DOJ) kung nasa ilalim pa ng Witness Protection Program (WPP) nito ang aminadong drug dealer na si Kerwin Espinosa.

Kung nananatili ito sa WPP, sinabi ni De Lima na dapat ipaliwanag ng DOJ kung ano ang batayan nito.

Si Espinosa ay isinailalim sa WPP noong Enero 2017 dahil ginawang testigo laban kay de Lima na inakusahang protektor ng mga drug lord.

Tumestigo si Espinosa sa Senado kung saan nito inamin ang pagbebenta ng shabu sa Central Visayas na diumano ay isinuplay ng negosyanteng si Peter Lim na tinukoy na kumpare ng pangulo.

Ayon pa kay De Lima, kung totoong binawi na ni Espinosa ang pag-amin sa pagiging drug lord gaya ng sinasabi ng PNP, hindi na ito maituturing na testigo at dapat matanggal na sa WPP.

Samantala’y hinahanap ni De Lima ang sinumpaang salaysay ni Kerwin kung saan diumano ay binabawi nito ang pag-amin sa pagiging drug lord.

Kuwestiyon ng senadora kung sinasadya iyong itago dahil baka kasama sa binawi ang paratang na protektor siya ng drug lord at ang bintang na tumanggap siya ng P8 milyong drug money mula kay Espinosa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?