51

By

De Lima pumalag sa larawang humihiling na payagang madalaw ng dating lover

Nag-react si Senadora Leila De Lima sa nag-edit ng larawan niya habang may hawak na petisyon na humihiling sa Korte Suprema na payagang madalaw ng dating driver niya.

Ayon kay De Lima, ang naturang post sa social media ay “fake news” at panibagong malisyosong produkto ng mga indibiduwal na gustong yurakan ang pagkatao at reputasyon niya.

Aniya, mga bayaran umano ang may kagagawan ng naturang fake news na doble-kayod para sirain ang reputasyon niya at palabasing masama ang mga kritiko ng administrasyon na walang ibang magbebenepisyo umano kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-ugat ang pahayag ni De Lima sa mga Facebook post noong Marso 29 kung saan makikita ang dinoktor na imahe niya habang may hawak na dokumento na humihiling sa SC na payagan ang dating driver at lover niyang si Mr. Ronnie Dayan na bisitahin siya isang beses kada linggo.

“Very clearly, the photo of me that is now circulating online was altered and should be taken down by Facebook immediately,” anang senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?