61

Dec 21, 2017 @ 12:55
By

De Lima pinayagang tumanggap ng bisita sa Pasko, Bagong Taon

Hindi na magiging ‘sad’ ang Pasko at Bagong Taon ni Senadora Leila de Lima.

Ito’y dahil sa pumayag na ang Philippine National Police (PNP) sa kahilingan nitong tumanggap ng bisita ngayong holiday season.

“She has been allowed to receive relatives on Dec. 24 until 1 am the following day. On Dec. 25, from 8 am-5pm,” ayon kay Ferdie Maglalang, media relation officer ng senadora.

“On Dec. 31, until 1 am the following day. On Jan. 1, from 8am-5pm,” dagdag pa nito

Si de Lim ay nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City dahil sa drug-related charges. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?