296

By

De Lima pinagsabihan si Duterte: ‘Wag kang magsinungaling sa mga OFW!

Nagpasaring si Senadora Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na umano nito ang pagsisisinungaling sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa tunay na estado ng ekonomiya ng bansa.

Sa halip daw na pagtuunan ng pansin ni Duterte ang mga tirada sa kanyang mga kritiko, mas makabubuti umano na ibaling nito ang atensyon sa problema ng inflation sa bansa.

“Tell the public the truth, Mr. Duterte. We deserve better than gimmicks and cheap shots at your critics. What our OFWs need to know is how this government is failing in arresting the rising inflation that makes their families at home poorer.” parte ng naging pahayag ni De Lima.

Bumanat din ang senadora sa ipinapakalat umanong kasinungalingan ni Duterte tungkol sa kanyang pagkakakulong, sinabing sinisiraan umano siya sa naging biyahe ng pangulo sa Jordan tungkol sa kanyang hinalang sex video sa kanyang bodyguard.

“Pati mga OFWs natin na nagpapakahirap at nagtatrabaho nang marangal sa ibang bansa, niloloko nila. Sa halip na mga kasinungalingan para pagtakpan ang mga tunay na problema sa Pilipinas, dapat malaman nila kung ano ang kongkretong plano ng gobyerno para mapabuti ang kapakanan ng Pilipino, sa loob at labas ng bansa,” ani De Lima. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?