110

Jan 15, 2021 @ 11:22
By

De Lima: Pagiging pangulo ‘di bagay sa mga Duterte

“Kulang ba sa tulog iyang si Duterte o nilamok sa kulambo? Sa tuwing bitin kasi siya sa tulog, ang mga babae ang pinagdidiskitahan.”

Punto ito ni Senadora Leila De Lima matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na “hindi pambabae” ang pagkapangulo.

“Hindi ito pambabae. Alam mo, the emotional set-up of a woman and a man is totally different. Maging gago ka dito,” ayon pa kay Duterte nang ianunsiyo niya na hindi raw tatakbo sa 2022 presidential elections ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Wika ni De Lima, ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas ay “ni hindi man makaabot sa kalingkingan ng mga nagawa nila Arden, Tsai Ing-wen at Merkel.”

Ang tinutukoy niya ay ang ilang babaeng pinuno sa mundo na sina New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, Taiwan President Tsai Ing-wen, at Germany Chancellor Angela Merkel.

“Kamo ang sabihin niya silang mga Duterte ang hindi bagay sa pagkapresidente, babae man o lalake. Period!” tweet pa ng nakapiit na senador, Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?