225

Aug 4, 2021 @ 12:40
By

De Lima nawindang sa pagkamatay ng mga high-profile inmate: Cardiac arrest daw ikinamatay? Style n’yo bulok!

Nababahala si Senadora Leila de Lima sa pagkamatay ng mga drug lord na nagsilbing saksi sa mga isinampang kaso sa kanya na may kinalaman sa ilegal na droga.

“Ano na naman ito!? Meron na naman namatay (o pinatay?) na high-profile inmate sa Bilibid. At cardiac arrest naman daw ang dahilan,” anang mambabatas sa isang pahayag.

Ito ay matapos maiulat ang pagkamatay ng drug lord na si Vicente Sy noong nakaraang linggo dahil sa cardiac arrest.

Giit niya, hindi malabo na maging target sa pagpatay ang mga witness sa kanyang mga umano’y gawa-gawang kaso.

“This beleaguering trend of witnesses dying still does not give comfort to me who is waiting for their eventual revelation on who are behind these fabricated charges filed against me,” saad niya.

Nagpakita naman ng pakikiramay ang mambabatas sa naiwang pamilya ni Sy.

“At this point, after almost four years and a half under unjust detention, I have no ill will against Vicente Sy and, as a human being, I commiserate with his bereaved family. At least, he didn’t lie about not knowing me and not giving me money. His sin against me, if any, pales in comparison to the sin of those who used him and his fellow inmates to bring down an innocent woman and public servant,” saad niya.

Nito lamang Hulyo 2020 nang mapabalitang pumanaw na si drug convict Jaybee Sebastian na siya ring witness sa drug charges ng Senadora. Ayon sa ulat, COVID ang ikinamatay nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?