70

By

De Lima, natuwa sa imbestigasyon ng UN sa human rights violations sa Pinas

Pinapurihan ng ilang opposition senator ang pagsasagawa ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ng imbestigasyon sa human rights situation sa Pilipinas.

Ayon kay Senadora Leila de Lima, malinaw na mensahe ito para kay Pangulong Rodrigo Duterte na lalabas din ang katotohanan at mapapanagot ang may sala sa mga patayan sa bansa.

“The UNHRC Resolution is a welcome step – a jumpstart, indeed – in our people’s search for accountability for the ongoing mass murder and other gross human rights violations in the Philippines under Rodrigo Duterte,” saad ni De Lima.

Para naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat payagan ng gobyerno na mag-imbestiga ang UNHRC dahil miyembro ang Pilipinas nito.

“We should allow the investigation to take place. The government must cooperate. We cannot simply ignore it, because we are part of it and the government is legally and constitutionally mandated to honor our treaty obligations,” wika ni Drilon sa isang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?