287

By

De Lima napailing ang ulo sa paglaya ni Revilla

Sharing is caring!

Dismayado si Senadora Leila de Lima sa naging hatol ng Sandiganbayan First Division na mapawalang-sala si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla kaugnay ng kasong plunder sa pork barrel scam.

“I could only shake my head in utter disbelief and dismay. Yesterday was a sad moment for truth, justice and accountability,” pahayag ni De Lima sa isang pinalabas na statement.

Nitong Biyernes ay nakalaya na si Revilla matapos ring magpiyansa para sa kasong graft, at nakauwi na sa kanyang tahanan sa Cavite.

Iba naman ang naging kapalaran para sa kanyang dating chief of staff na si Atty. Richard Cambe at PDAF mastermind na si Janet Lim-Napoles.

Hinatulan ng reclusion perpetua ang dalawa, at may pagkakataong iapela ang kaso para mabaligtad ang guilty verdict.

“The acquittal of former Sen. Bong Revilla by the Sandiganbayan in the Napoles PDAF (Priority Development Assistance Fund) Scam plunder case sends the wrong signal,” pakli ni De Lima.

“Indeed, it’s unbelievable as it is ludicrous that Revilla’s aide reaped the benefits of the scam in connivance with Napoles but sans Revilla,” dagdag pa niya.

Dalawang dating senador pa ang naghihintay ng litis sa kaso rin ng pork barrel scam, sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, samantalang kasalukuyang nakadetine si De Lima sa pagkakasangkot umano sa bentahan ng iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?