92
leila-de-lima
Aug 10, 2019 @ 16:36
By

De Lima, naghain ng batas kontra ‘forced e-billing’

Isang senador ang naghain ng batas na layong bigyan ng pagpipilian ang mga konsyumer kung print o online ipadadala ang kanilang buwanang bayarin nang walang dagdag na bayad.

Sa isang press release, sinabi ni Senador Leila De Lima na ihinain niya ang Senate Bill Blg. 779 sa pananaw na ipinapasa na lamang ng mga service provider ang gastos ng pagpapadala ng billing statement sa mga kostumer.

“The consumers have the right to be properly informed of the full details of the transaction and for them to be charged a premium cost for this information is a violation of their rights which can ultimately lead to fraudulent behavior on the part of the sellers,” ani De Lima.

Sinaad sa isang ulat na pinapabayad ng ilang telecommunications companies ang mga konsyumer ng P50 para sa paper billing kahit pa umangal ang mga kostumer.

Pinabulaanan din ni De Lima, ang Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development head, ang pahayag ng ilang kompanya na maka-kalikasan ang electronic billing.

“Going paperless seems to be the answer to the plight of our society in solving environmental problems. However, the presentation of the e-billing scheme as a leading pro-environment advocacy is misleading,” saad ni De Lima.

Ayon sa publikasyong Environmental Leader, umaambag ang “paperless campaign” sa pagtaas ng carbon emissions na nakapipinsala sa kalikasan.

Sinaad din ni De Lima ang resulta sa mga bagong pag-aaral na nagsasabing gusto pa rin ng mga konsyumer na nasa papel ang kanilang mga bayarin sa bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?