190

Dec 19, 2017 @ 11:41
By

De Lima naghahanap ng kasama sa Pasko, Bagong Taon

Hiniling ni Senator Leila de Lima sa pamunuan ng Philippine National Police na payagan siyang makatanggap ng mga bisita sa Disyembre 25 at Enero 1, 2018, araw ng Pasko at Bagong Taon.

Sa sulat kay Police Chief Insp. Erickson Polinag ng PNP Custodial Center, may petsang Disyembre 15, sinabi ni de Lima na may mga kaibigan at kaanak siya na gustong samahan siya sa Pasko at Bagong Taon.

Ang dalawang okasyon ay parehong araw ng Lunes na “no visitors day” sa kanya.

Bunsod nito, humihingi si De Lima ng kunsiderasyon alang-alang sa diwa ng Kapaskuhan para masamahan daw siya ng kanipang pamilya, kaanak at ilang kaibigan mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

“Since both holidays fall on a Monday, a no visitors day, ad in the spirit of the Yuletide season, may I humbly request for exemption from the no-visitors rule for both days and accordingly allow visits from 9:00 am to 5:00 pm,” hiling ni De Lima.

Si De Lima ay nakakulong mula noong Pebrero dahil sa illegal drug cases sa dalawang korte sa Muntinlupa City. Ito ang unang pasko sa bilanggo ang senadora. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?