1,129

Nov 16, 2021 @ 17:40
By

De Lima: Mga kandidatong sangkot sa EJK huwag iboto

Binalaan ni Senadora Leila de Lima ang mga botanteng Pinoy na huwag iboto ang mga kandidatong responsable sa ‘state-sponsored’ na pagpatay at iba pang krimen sa bansa.

Sabi ng senadora, malaking pagkakamali kung ihahalal ang mga opisyal na sangkot sa mga pagpatay at walang konsensiya.

“Kailangan nang maka-move on ng ating bayan mula sa mapang-abusong Chief Executive na noon ay nakamit ang boto ng mamamayan sa pamamagitan ng mga matatamis na pangakong ngayon ay pakong-pako na,” sabi ni De Lima.

“Let this breed of outgoing leaders proceed to be ex-leaders, along with their penchant for extrajudicial killings and of accumulating ill-gotten gains at the expense of our people’s continued suffering,” dagdag nito.

Sa paghikayat ni De Lima sa publiko, binanggit nito ang affidavit na isinumite ni dating Davao policeman at self-confessed Davao Death Squad (DDS) hitman Arturo Lascañas sa International Criminal Court.

Si Lascañas ay local police intelligence operative at imbestigador ng higit 34 taon at pangunahing miyembro ng DDS sa loob ng dalawang dekada.

Inilahad ni Lascana sa kanyang testimoniya noong sa Senado kung paano nila pinapatay ang daan-daang biktima sa panahon ng pamumuno ni Duterte bilang mayor ng Davao City mula 1988 hanggang 2015.

“It is important that every Filipino voter reads this series at least once, especially before going to the polls in May 2022, so that they will not vote again to office individuals belonging or allied to what is basically a criminal organization responsible for the most heinous crimes committed by government officials under the cover of public office and government authority,” ani De Lima.

“Let them face the wrath of justice and suffer the consequences of their atrocious deeds,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?