35

May 16, 2020 @ 8:58
By

De Lima: Mga gov’t official utak ng troll army ni Duterte!

Giniit ni Senadora Leila de Lima na mga nakaupo sa pwesto ang mga nangangasiwa sa troll army para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa nakadetineng mambabatas, may ilan umanong mga blogger at social media personality, na binigyan ng pwesto sa gobyerno, ang nagmamando o ‘admin’ ng ilang mga blog o social media page na nagpapakalat ng fake news.

“With the seemingly consistent findings of various studies of state-backed ‘troll armies’ in the Philippines, it is imperative for Congress to verify the integrity of these reports and probe if any appropriated government funds are used to maintain and pay online trolls by various bloggers and social media personalities with their capacity as appointed officials in various government agencies or by the President himself under various discretionary budgets under his office,” ayon kay De Lima.

“Manipulation of public opinion through misinformation diminishes the level and quality of our national conversation and is ultimately detrimental to our democracy,” lahad pa nito.

Kaya naman nais ni De Lima na imbestigahan ng Senado ang mga report na ginagamitan umano ng pondo ng bayan ang mga nasabing ‘troll army’, na inorganisa para manipulahin ang publiko sa paglalabas ng mga fake news.

“[There is a need] to conduct an inquiry into the reports of public funds being spent to pay and maintain online trolls to distort and manipulate online information in various social media platforms in order to influence public opinion and political outcomes,” giit ng opposition senator.

Aniya, ang pondong ginagamit sa mga troll army ay dapat na gamitin sa mas mahahalagang bagay tulad ng sa kalusuga, edukasyon at mga kapus-palad na mamamayan.

“It is against the interests of our country to fund online trolls who manipulate online discussions on national issues for political ends. These funds are better spent on education, alleviating poverty and improving our healthcare system,” aniya pa.

Sa pahayag din ni De Lima ay kanyang binasehan ang 2020 World Press Freedom Index na nilathala ng Reporters Without Borders kung saan gumagamit umano ng mga ‘call center hub’ ang mga supporter ng Pangulo para makapagpakalat ng mga pekeng meme at edited na content.

Sa isa pang report mula naman sa University of Oxford, sinabi na $200,000 umano ang ginastos para sa mga troll para tirahin ang mga kalaban ni Duterte sa politika, na dati nang pinalagan ng Palasyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?