45

Jan 15, 2021 @ 21:46
By

De Lima: Mga Duterte ‘di bagay sa pagka-presidente

Bumanat si Senadora Leila de Lima matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pambabae ang pagka-pangulo.

“Kulang ba sa tulog iyang si Duterte o nilamok sa kulambo? Sa tuwing bitin kasi siya sa tulog, ang mga babae ang pinagdidiskitahan. Ni hindi man siya makaabot sa kalingkingan ng mga nagawa nila Arden, Tsai Ing-wen at Merkel,” tweet ng mambabatas nitong Biyernes.

“Kamo ang sabihin niya silang mga Duterte ang hindi bagay sa pagkapresidente, babae man o lalake. Period!” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?