26

Feb 18, 2021 @ 14:06
By

De Lima laging nasa panig ng katotohanan – Risa, Kiko

Ikinatuwa nina Senadora Risa Hontiveros at Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pag-absuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court sa isa sa tatlong kinakaharap na kasong may kaugnay sa iligal na droga ng kanilang kaalyadong si Senadora Leila de Lima.

“Bawat tagumpay na nakakamit natin kasama si Senator Leila de Lima ay isang hakbang tungo sa katarungan at Kalayaan,” pahayag ni Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, ang pag-absuwelto sa isa sa kaso ni De Lima patunay lang na walang basehan, walang ebidensiya ang mga bintang laban sa kanya.

“Ngunit bawat araw rin na ginugugol ni Sen. De Lima sa piitan ay kawalan ng hustisya, hindi lamang para sa kanya, kundi para sa lahat ng Pilipino,” aniya pa.

Samantala, naniniwala si Pangilinan na laging nasa panig na katotohan ang senadora kaya’t nararapat lang mabasura ang walang basehang kaso laban sa kanya.

“Mula’t sapul maliwanag pa sa sikat ng araw na gawa gawa lang at walang basehan na ebidensya ang mga akusasyon laban kay Sen leila. Nawa’y sunud sunod na ang pagdismiss sa mga gawa gawang mga paratang sa lalong madaling na panahon,” wika pa ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?