94

Apr 3, 2021 @ 19:10
By

De Lima kina Duque, Duterte: Bawasan pamumulitika

Para sa ikabubuti ng bansa, sinabi ng nakakulong na si Senadora Leila de Lima na panahon na upang bawasan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Health Sec. Francisco Duque III ang pamumulitika at red tape.

Sa series of tweet ng senadora, pinayuhan din niya ang gobyerno na imbes pahirapang makakuha ng bakuna ang pribadong sektor ay payagan ang mga itong tumulong.

“Kung imbes na pahirapan ang pribadong sektor na makakuha ng bakuna ay payagan silang tumulong, mas maraming mababakunahan bago mahuli ang lahat para sa marami nating kababayan. Panahon na para bawasan nila Duque at Duterte ang pamumulitika at red tape para sa ikabubuti ng bansa,” tweet ni De Lima, Abril 3.


“We need to step up our vaccination campaign and we need to work with our private sector. Only then can we even hope for anything close to acceptable accomplishment in our fight against COVID-19. Bawat araw ng kapalpakan, may buhay na nasasayang,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?