66

By

De Lima kay Roque: Tigilan mo ako!

Sharing is caring!

Nabuwisit si Senador Leila de Lima kay Presidential Spokesperson Harry Roque at hiniling nat igilan ang pambabanat sa kanya dahil hindi siya kilala nito.

“Mr. Harry Roque, do you really know me? No, you don’t. So if you can please find it in your heart to cease and desist from babbling about my true character,”giit ni De Lima.

Sagot ito ni De Lima sa pahayag ni Roque na hindi kilala ni Pope Francis ang totoong ugali ng senador makaraang padalhan ito ng rosaryo ng Santo Papa.

“I hope that you and your principal refrain from further demonizing me. Stop your pettiness too. Both of you. Grossly unchristian,” saad ni de Lima.

Magugunitang nagpasalamat si De lima sa Santo Papa sa pagpapadala nito ng rosaryo.

Sinulatan ni De Lima si Pope Francis noong Agosto at humiling ng dasal para sa kanya at sa mamamayang Filipino. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?