323

Dec 15, 2019 @ 14:10
By

De Lima kay Panelo: Nakakatawa ka!

Binuweltahan ni Senadora Leila De Lima si Presidential spokesperson Salvador Panelo matapos batikusin ng huli ang US Senate resolution na nanawagan ng pagpapalaya at pag-atras ng kaso laban sa kanya.

“Nakakatawa naman ito,” pahayag ni De lima sa isan statement.

“Mr. Panelo, my case is a test case for your boss’ attempt to flex his tyrannical ambitions. The whole world knows that. Malacañang, backed up with its troll army, is a veritable mill of massive disinformation campaigns,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ni Panelo na nalansi umano ng oposisyon at media ang ilang senador mula sa Estados Unidos dahilan para maipasa sa isang US Senate committee ang resolusyong nagpapabasura sa mga kaso nina De Lima at Rappler CEO Maria Ressa.

Nanindigan ang presidential spokeperson na ang mga kasong inihain laban sa dalawa ay walang kinalaman sa kanilang pagpunta sa kasalukuyang administrasyon.

Si De Lima ay nakakulong sa Camp Crame sa Philippine National Police headquarters noong Pebrero 2017 dahil sa drug charges.

Subalit giit ng senadora, wala na umanong naniniwala sa kalokohan ng administrasyong Duterte.

“Wala nang naniniwala sa inyo. Kayo-kayo na lang naglolokohan. We refuse to partake of the poison-infused rhetoric that the President regularly spews,” sabi ni De Lima.

“Those who are genuinely on the side of truth and justice can never be hoodwinked into believing that we have a fair justice system and a strong vibrant democracy,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?