52

Jan 27, 2020 @ 18:10
By

De Lima kay Locsin: Anong masama sa mataba?

Walang masama sa pagiging mataba.

Ito ang buwelta ni Senadora Leila de Lima kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. kahit na humingi na ito ng paumanhin matapos nitong i-tweet noong Biyernes na isa siyang “fat lady”.

“Your apology is so kind Sec. Locsin. But I am minded to correct you that there is absolutely nothing wrong with being fat,” pahayag ni De Lima sa isang statement kahapon.

“Fat”-ness being a bad thing is just another construct of the misogyny that your boss Duterte propagates to attack women of conviction. Fat-shaming, like slut-shaming, is just another one of the many weapons in the arsenal of misogynists to attack women,” dagdag nito.

Bagama’t tinanggap na umano nito ang ‘sorry’ ni Locsin, sinabi ni De Lima na dapat nang tumigil si Locsin sa ginagawa nitong pag-insulto at tumigil sa pagpapakalat ng ‘fake news’ hinggil sa kanyang pisikal na kaanyuan.

“Since you have apologized, I am willing to accept your apology on the condition that you desist from any further misogynistic and insulting statements against me,” sabi ni De Lima.

“Aside from spreading fake news about my physical appearance, especially nowadays, since your boss’s actions of detaining me has caused me to be conscious of my weight, hence, shed several pounds, and stay healthy to survive the persecution,” dagdag pa ng senadora.

Aniya, mas gugustuhin pa niyang maging mataba at malaya kesa naman payat subalit limitado ang galaw.

“I am not thanking him for it. I’d rather be fat and free than be slim but shackled. One more thing, you commend me for my feistiness. Yes, I am feisty and fearless because I am INNOCENT,” ayon pa kay De Lima

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?