160

Jul 19, 2021 @ 20:48
By

De Lima kay Duterte: Kapag pandemya walang pera, sa kampanya sako-sako pera

Binira ni Senadora Leila de Lima ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagdadala ng sako-sakong pera para ikampanya ang mga posibleng kandidato ng PDP-Laban.

Nilinaw ng Malacañang na hindi pera ng gobyerno ang gagamitin para ikampanya ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kapartido sa darating na eleksyon sa 2022.

Pero hirit ni De Lima: “Pag sa pandemya, wala raw pera, at laging missing-in-action. Pag sa kampanya, sako-sako ang kwarta, mag-iikot pa.”

“Diyan ba mapupunta ang trilyon-trilyong pisong inutang mo na ipapapasan mo sa Pilipino? Diyan mo ba dadalhin ang bilyon-bilyong budget ng opisina mo? Ang kailangan: tulong sa health workers, bakuna at ayuda. Hindi politika!”dagdag ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?