46

Sep 29, 2017 @ 11:56

De Lima kay Duterte: Bawiin mo ang paratang mo sa akin!

Pinababawi ni Senador Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paratang nito na isa siyang kurakot na mambabatas.

Kasunod ito ng pahayag ng Ombudsman na iniimbestigahan na nila ang sinasabing bank accounts ng punong ehekutibo.

Inihayag ni De Lima na halos isang taon na ang nakalilipas nang ipangalandakan nina Pangulong Duterte at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na kanilang ibubunyag ang rekord ng Anti-Money Laundering Council kaugnay sa kanyang bank transactions na umaabot sa P10 bilyon.

Gayunman, hanggang ngayon anya ay walang inilalabas ang Malakanyang sa kanyang bank records at sa halip ay ang P1 bilyong yaman ng punong ehekutibo ang inilabas.

Binigyang-diin ni De Lima na mahirap pekein ang AMLC records kung saan kung wala anyang tagong yaman ay walang mailalabas kahit pa ang Pangulo at Kalihim ng DOJ.

“Ngayon Ginoong Duterte sino kamo ang kurakot? Sana bawiin mo na ang mga pekeng paratang mo sa akin,” saad ni De Lima. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?