1,155

By

De Lima kay Cayetano: Amateur ka, magbitiw ka na!

Sharing is caring!

Pinalalayas ni Senadora Leila de Lima sa puwesto si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano dahil sa “Kuwait fiasco”.

Ayon sa nakakulong na senadora, kapos ang kakayanan ni Cayetano para maging top diplomat ng bansa batay sa palpak nitong aksyon sa sitwasyon sa Kuwait.

“The Kuwait fiasco is a confirmation of this fact. Cayetano had to learn the hard way that there is no room for amateurs when it comes to foreign relations and diplomacy. Cayetano has to know his skills-set limitations and lack of experience in this field,” sabi ni De Lima.

Iginiit nito na isakripisyo na lang ni Cayetano ang personal na ambisyon at ibigay ang puwesto sa ibang may higit na kakayanan at karanasan.

“It is time for Cayetano to surrender his DFA post to someone more capable and deserving. The position is not work that he can do at his leisure and for his pleasure. If the Kuwait fiasco has taught us anything, it is that mistakes in international diplomatic work have grave consequences. Cayetano’s has cost the DFA almost everything its foreign service officers have worked hard for through the years. That is a lot to sacrifice for one man’s political ambitions,” sabi pa ni De Lima.

Ipinunto ni De Lima na bago maupo sa Department of Foreign Affairs (DFA), si Cayetano ay abogado at pulitiko, at walang anumang professional training at karanasan sa foreign service.

Ang panawagan ni De Lima kay Cayetano ay kasunod ng ulat na may career diplomats na nagpapabitiw kay Cayetano.

Unang beses umano sa kasaysayan ng DFA na may foreign service officers na nagpapalayas sa kalihim nito.

Itinanggi naman ng DFA na may ganitong panawagan mula sa loob ng tanggapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?