64

Oct 8, 2021 @ 18:12
By

De Lima, Hontiveros, Trillanes, Diokno sokpa sa Leni-Kiko slate

Inihayag ni Vice President Leni Robredo ang ilang senatoriable ng tambalan nila ni Senador Kiko Pangilinan.

Aniya, pinaplantsa pa ang iba pang posible nilang kandidato.

Kinumpirma niya sa listahan sina Sens. Leila de Lima, Risa Hontiveros, dating senador Antonio Trillanes IV at human rights lawyer Chel Diokno.

“‘Yung slate namin is not just composed of representatives from the Liberal Party. Ito ay pagsasama-sama ng iba’t ibang pinanggalingan,” ani Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?