172

By

De Lima hinimok ang ICC, UNHRC na tapusin ang ‘war on drugs’ ni Duterte

Sharing is caring!

Nakiusap si Senadora Leila de Lima sa mga international body partikular sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) at International Criminal Court (ICC) na aksiyonan ang kampanya kontra droga na paglabag umano sa human rights ng nasasangkot.

Sa pahay ng Senadora na may pamagat na ‘Shattering the Consensus of Silence: Let’s Take Urgent Actions Against Impunity in the Philippines’, nilahad niya na ilang katao na ang napapatay ng mga pulis at vigilante dahil sa marahas na pamamaraan kontra sa iligal na droga.

“It is imperative for the ICC and relevant UN bodies and mechanisms to work and work urgently not only to frustrate Duterte’s plans but more importantly and ultimately to shrink the space for impunity in the Philippines,” pakli niya.

Ang mensaheng ito ay lumabas noong 39th United Nations Human Rights Council (UNHRC) Session sa Switzerland noong nakaraang linggo.

Base rin sa kanyang datos na nakalap, halos 20,000 katao na ang namatay dahil sa paghihinalang may kinalaman ang mga ito sa droga.

“And there is no sign that the killings will ever stop as Duterte has even vowed in his recent State of the Nation Address in July that his drug war would remain relentless and chilling as on the day it began,” dagdag ng senadora.

“We have to move – move with utmost urgency and in solidarity with each other,” pagtatapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?