By

De Lima hindi ooperahan sa atay

Sharing is caring!

Hindi masasailalim sa hospital arrest si Senador Leila De Lima.

Inihayag ngayon ng senador na nadetermina ng kaniyang mga doktor na hindi kailangan ang operasyon sa nakita na liver mass.

Sa isinagawang CT-scan sa kaniya noong Lunes, benign o hindi malala at hindi kailangan operahin ang kaniyang atay.

Aniya, ipinagpapasalamat niya ito sa Panginoong Diyos pati sa kaniyang pamilya at mga kaibigan na laging nagdarasal.

Tniyak namang patuloy siyang magtatrabaho kahit nakakulong dahil sa illegal drug cases na aniya ay pawang imbento lamang.

Idiniin na hindi siya magsasakit-sakitan para kaawaan at makalaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?