311

Jan 1, 2018 @ 10:30
By

De Lima hindi naging maarte sa pagkain sa kulungan

Itinuturing ni Sen. Leila de Lima na ekstra-ordinaryo ang taong 2017 dahil sa kaniyang pagkakabilanggo at pagtanggap pa rin ng paratang kahit nasa bilangguan.

Natutunan din umano niya na hindi maging maarte sa pagkain at sa pamumuhay dahil kailangan niyang pagyamanin at pagtiyagaan ang nasa kaniyang harapan.

Gaya raw ng pagkain na kailangan niyang tipirin dahil maari siyang kulangin dahil hindi palaging pwede siyang dalawin at hatiran ng mga kaanak at kaibigan.

“We call it the Spartan training. Ito ‘yung hindi ka dapat maarte. You need to learn to survive and accept whatever is there and to live within your means. So in the future, you can survive whatever circumstances will come your way, like being stranded in an island or being shipwrecked—In my case, being detained on obviously fake charges,” sabi ni De Lima.

Noong mabilanggo, natututo rin daw siyang magpahalaga sa maliliit na bagay gaya ng ulan, halaman at pagkain.

Naisip din nya na nalingatan niya ang pag-aalaga sa kaniyang pamilya dahil naging abala siya sa kaniyang mga naging trabaho – mula sa private practice bilang abogado, hanggang mapunta sa Commission on Human Rights, Department of Justice at hanggang maging senador.

Lumalim naman umano ang kaniyang pananampalataya sa Panginoong Diyos sa gitna ng mga hinaharap niyang pagsubok.

“I know He’s there. I know He has plans for me. Part of my prayer is to make me discern what is His will and to be granted the grace to fulfill that will,” sabi ni De Lima.

Kahit nakakulong, nakakaganap pa rin naman siya ng tungkulin bilang senadora at naipagpapatuloy ang kaniyang mga ipinaglalaban.

“This year, I learned that being deprived of your physical liberty is never a hindrance to fight for what is right and just, but a reminder to continue living a life of purpose by promoting freedom and seeking for justice, especially for the thousands killed in the war on drugs,” pahayag pa ng senadora na 310 araw na sa bilangguan dahil sa hinaharap na drug cases. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?