48

By

De Lima gustong dumalo sa graduation ng anak

Sharing is caring!

Hiniling ni Senadora Leila De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 at 206 na payagan siyang lumabas ng ilang oras mula sa kaniyang kulungan sa Hunyo 3.

Sa kaniyang apat na pahinang ‘very urgent motion for furlough’ sa dalawang korte, idinahilan ang graduation rites ng bunso nyang anak na magtatapos ng abogasya.

Ang pansamantalang petsa ng commencement exercises ay Hunyo 3, alas 2 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi, sa San Beda College sa Muntinlupa, Alabang.

Bukod sa nasabing mga oras, hinihiling ni De Lima na payagan siyang makapagtagal ng dalawa hanggang tatlong oras matapos ang seremonya para sa personal time kasama ng anak at pamilya.

Gusto raw niyang makasama ang anak sa masayang okasyon at maibigay ang kaniyang suporta dahil kukuha ng bar exams ang anak sa Nobyembre.

Umaasa si De Lima na pagbibigyan siya ng korte dahil may mga naging akusado sa krimen na pinagbigyan ng Supreme Court at ng Sandiganbayan na makadalo sa ganitong special occasion at personal matter.

Partikular niyang inihalimbawa ang pagpapahintulot ng Sandiganbayan kay dating Senador Jinggoy Estrada na makadalo sa graduation ng anak.

Ito ang ikatlong beses na humingi si De Lima ng furlough.

Una ay para makadalo sa Senate hearing ukol sa extrajudicial killings kung saan hindi siya pinayagan at ang ikalawa ay para sa medical check up na pinahintulutan naman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?