70

De Lima excited na sa impeachment trial ni Sereno

Inihahanda na ng mga abugado ni Senator Leila de Lima ang ihahain na mosyon upang makadalo sa impeachment proceeding laban Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nais ni de Lima na masiguro na aktibo itong makakalahok bilang hukom sa impeachment proceeding.

Ikinatuwa ni de Lima ang pagkilala ni Senate President Aquilino Pimentel III sa karapatan nito na lumahok sa paglilitis sa sandaling magsimula ang impeachment trial.

Si de Lima ay nananatiling nakakulong sa PNP Detention cell dahil sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na isinampa ng Department of Justice.

Binigyan diin ni de Lima na bilang kasalukuyang senador ay may mandato ito sa ilalim ng saligang batas na sumali at makilahok sa magaganap na paglilitis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?