47

Sep 9, 2021 @ 17:21
By

De Lima: Duterte walang kredibilidad

Nanindigan si Senadora Leila De Lima na hindi magkakaroon ng kredbilidad si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagtatanggol sa anomalya sa likod ng Pharmally Pharmaceutical Corporation maliban na lang kung isasapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

“Duterte continues to hide his SALN from the people. That SALN could be hiding billions by now, but we cannot know because Duterte’s appointed Ombudsman cares more about protecting corrupt public officials than the public coffers,” sabi ni De Lima sa isang statement.

“As long as Duterte hides his SALN, he cannot prove to the public that the billions awarded to his Chinese cronies did not also find their way into his bank accounts,” dagdag nito.

Iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang paglipat ng Department of Health (DOH) ng P42 bilyon sa Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS) na siyang bumili ng personal protective equipment (PPE), face shield at face mask na ayon sa mga senador ay ‘overpriced.’

Sa pagdinig ng Senado, nabunyag na ang Pharmally Pharmaceutical Corp., ang nakakuha ng pinakamalaking kontra sa gobyerno ng mahigit sa P8.6 bilyon sa kabila ng pagiging baguhan lang nitong korporasyon na may paid-up capital ng P625,000 lamang.

Sabi ni De Lima, nauna nang inamin ni Duterte na may link siya sa lahat ng mga taong sangkot sa maanomalyang transaksyon kabilang si datung economic adviser, Chinese businessman Michael Yang, at ex-Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao.

“Assuming even that the PPEs purchased were not overpriced, the fact that a firm close to the President has bagged the contracts already creates a presumption of undue favors given to Pharmally,” ani De Lima.

“Apparently, plunder and Kleptocracy run in the President’s official family, and the Senate and COA are the only institutions still making it hard for them in getting away with their plundered loot,” saad nito.

“Paano pa kaya nakakatulog ang mga mandarambong na ito sa gitna ng pagnakaw nila sa pondong panlaban sana sa pandemya, habang patuloy na nagugutom at namamatay ang mga Pilipino? Wala na talagang sasama pa sa mga taong ito!” dugtong pa ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?