220

Jul 16, 2019 @ 16:14
By

De Lima: Duterte hindi exempted sa ‘Bawal Bastos’ law

Umaasa si Senadora Leila de Lima na mangunguna si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagrespeto at sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11313, o “Safe Spaces Act”.

“Masaya po tayo sa pagiging ganap nang batas na tutugon sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at miyembro ng LGBT community na madalas na nagiging biktima ng pambabastos sa pampublikong lugar,” sabi ni De Lima sa isang statement.

Hindi rin aniya dapat maging exempted sa naturang batas si Pangulong Duterte na kilala diumano sa mga “sexist jokes” at “misogynist remarks”.

“I hope that this new law will be implemented strictly and properly, and will not exempt from compliance our public officials, especially Mr. Duterte who is infamous for his sexist jokes and misogynist remarks,” ani De Lima.

“He should respect his own signature under a presidential seal affixed in that law,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Republic Act 11313, bawal na ang “catcalling” o pagsipol, panghihipo, mga homophobic, transphobic o misogynistic remarks o mga negatibo at seksuwal na patutsada sa mga mga babae at maging miyembro LGBT community.

Layunin ng batas na labanan ang gender-based sexual harassment sa kalsada, public places, online, workplaces at educational at training institutions.

May P100,000 ang multa at pagkakulong ng isang buwan ang ipapataw na parusa sa lalabag sa batas depende sa uri ng gender-based harassment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?