26

May 15, 2021 @ 15:55
By

De Lima: Duterte bistadong-bistado na kaduwagan

Binanatan ni Senadora Leila de Lima ang muli umanong pagtatangka ni Pangulong Rodrigo Duterte na lokohin ang mga Pilipino sa bagong pahayag nito kaugnay sa West Philippine Sea (WPS).

Ani De Lima, gumagamit ang Pangulo ng bagong script bilang damage control matapos batikusin sa pahayag na campaign joke lamang ang pangako noong kampanya na sasakay ng jet ski, magtutungo sa Spratlys at magtitirik ng watawat ng Pilipinas para ipakita sa China na pag-aari ito ng Pilipinas.

Kahapon, Mayo 14 ay inihayag ng Pangulo na hindi niya aatrasan ang China kahit patayin siya.

“Dahil nga bistadong-bistado na ang kaduwagan, kasinungalingan at panlilinlang niya, kailangan ni Duterte ng bagong script para maging salbabida, pangsalba sa sarili at sa mga alipores niyang ibinibida pa rin ang huwad niyang ‘tapang at malasakit,’” tweet ni De Lima ngayong Sabado.


“He calls it bravado, we call them lies. Si Duterte na ang nagsabi, kung maniwala ka sa kaniya, istupido ka,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?