87

Oct 19, 2021 @ 20:52
By

De Lima disqualified sa halalan, fake news

Inihayag ni Senadora Leila de Lima na fake news ang kumakalat na disqualification post sa kanyang muling pagtakbo sa pagka-senador sa eleksiyon 2022.

“Nakarating po sa akin na may ipinapakalat na naman na fake news ang mga bayarang trolls na ako daw ay hindi kuwalipikado na tumakbo sa Halalan 2022 dahil nakakulong ako. Huwag po kayong maniwala,” sabi ni De Lima sa isang statement.

“I have all the qualifications for Senator as set forth in the 1987 Constitution (Sec. 3, Art. VI) and none of the disqualifications provided under the law (Sec. 12 & Sec. 68, Omnibus Election Code),” dagdag nito.

Sabi ng senadora, pinapayagan siyang tumakbong muli dahil pa pa naman siya nahahatulan sa kasong isianampa laban sa kanya.

Kasabay nito, hinimok ni De Lima ang publiko na manatiling mapagmatyag laban sa pagkalat ng maling impormasyon ngayong nalalalapit na ang halalan.

“Labanan ang mga kasinungalingan, lalo na ngayong election period. Let’s be very discerning and vigilant,” sabi ni De Lima.

“Ngayong papalapit na ang eleksyon, asahan na ang paninira at pagpapakalat ng maling impormasyon ng mga gustong manatili sa poder at ng kanilang mga kasabwat para patuloy na pagtakpan ang kanilang kalokohan at nang hindi sila mapanagot sa hinaharap,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?