16

Feb 23, 2021 @ 16:43
By

De Lima dismayado kay Guevarra sa pagsabing hindi maiiwasan kanyang conviction

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senadora de Lima kay Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagsabi ng huli na hindi maiiwasan ang “conviction” ng mambabatas sa kasong kinakaharap nito.

Ito’y sa kabila nang pag-abuswelto ng Muntinlupa City Regional Trial Court kay de Lima sa isa sa tatlo nitong kaso na may kinalaman sa droga.

“I hate to say this, but I am very disappointed in Sec. Guevarra,” pahayag ni de Lima sa isang statement.

“Since he worked with us in the PNoy administration, he very well knows that I could not possibly have done what his Department and his President now are now moving heaven and earth to prove that I did,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Guevarra, na sinansandalan ng mga state prosecutor ang pagbasura ng korte sa demurrer to evidence at petition for bail ni de Lima.

“Either Sec. Guevarra has not yet read our demurrers and the rulings of Judge Aquiatan thereon, or he does not understand or refuses to recognize the merits of our plea for demurrer,” ayon pa kay de Lima.

Dagdag pa nito, nakapaghain na sila ng motion for reconsideration sa mga kaso kung saan na-deny ang kanilang demurrer.

“If he [Guevarra] is so confident about the inevitability of my conviction, then why does this government have to keep up the pressure on the judiciary just to convict me?” sabi ni de Lima.

“Maybe that is why he is so confident. He is so confident on Duterte’s hold on the judicial system he seems to foreclose the possibility that the judicial system will somehow correct itself and soon refuse to be manipulated by a tyrant,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?