691

Aug 17, 2019 @ 12:03
By

De Lima: Diskriminasyon sa LGBTQ+ community, wakasan!

Isinusulong ni Senador Leila M. de Lima na wakasan na ang “bathroom discrimination” matapos ang nangyaring pagkulong sa isang transgender woman nang gamitin nito ang pampublikong restroom na nakalaan para sa mga kababaihan sa loob ng shopping center sa Quezon City.

Ayon kay De Lima, ang naturang insidente ay malinaw na kaso ng diskriminasyon, at ito’y malinaw na paglabag sa karapatan ng mga miyembro ng LGBTQ+ (Lesbian, gay, bisexual, transgender, Queer).

Aniya, ang kaso ni Gretchen Diez ay sumasalamin sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ng LGBTQ community sa bansa.

‘’This has to stop,” saad ni De Lima.

Ani De Lima, buo ang kaniyang suporta sa pagpasa ng SOGIE (Sexual Orientation, Gender Indentity and Expression) Bill at ang kaniyang suporta sa effort ng kaniyang kapawa-senador na si Senator Risa Hontiveros na isulong ang naturang panukalang batas.

“Let’s all rally to support the passage of the SOGIE Equality Bill and let’s work together in putting an end to any form of discrimination against the LGBT community,” dagdag ng senadora.

Saad ni De Lima, higit sa simpatya mula sa publiko, ang kailangan ng LGBT Community ay maaasahang batas na magsisiguro na ang kanilang mga karapatan ay protektado at nirerespeto sa lahat ng pagkakataon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?