65

Jan 3, 2018 @ 10:34
By

De Lima: Demokrasya sa ‘Pinas, namamatay na

Nangangamba si Senador Leila de Lima sa posibilidad ng pagkamatay ng demokrasya sa bansa.

Ito ay sa gitna ng aniya’y napapalitan na ang constitutional democracy bilang constitutional authoritarianism sa gitna ng pagsusulong ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte at ng Kongreso ng charter change (ChaCha).

“Duterte seems bent on keeping himself and his allies in power indefinitely, beyond the present constitutional limits,” saad ni De Lima.

Makikta aniya ito sa mga aksiyon ng pamahalaan kasama na ang impeachment proceedings laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno at plano ring pagpapatalsik kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

“The weakening of the independent institutions of our system of checks and balance always precedes the coming of a dictatorship,” giit ni De Lima.

Tinukoy din ito ang pag-eeksperimento aniya sa Mindanao para sa extension ng Martial Law kahit natalo na ng tropa ng pamahalaan ang ISIS-Maute forces sa Marawi City.

Sa panig naman aniya ng media, nakikita na ang pressure sa pag-atake sa mga kritiko ng administrasyon kabilang na ang ABS-CBN, Inquirer at Rappler.

“Social media continues to be bombarded with Duterte propaganda lavishly laced with fake news and political poison,” pahayag pa ng senador.

Kasabay nito, nanawagan ang mambabatas sa publiko na magsama-samang kumilos at labanan ang diktador na administrasyon. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?