402

By

De Lima, dapat palayain na – solons

Sharing is caring!

Malinaw na walang basehan ang mga kaso laban kay Senador Leila de Lima kasunod pag-absuwelto ng Department of Justice sa mga drug personalities na isinangkot sa kanya.

Sinabi ito ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin matapos ibasura ng DOJ ang kaso laban kina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Dahil dito, iginiit ni Villarin na dapat nang palayain ang senador.

Dagdag pa ng kongresista, maging ang mga testimonya ng convicted drug lords sa New Bilibid Prison (NBI) laban kay De Lima ay hindi magagamit sa korte dahil wala itong bigat sa rules of evidence.

“It’s high time that she be released otherwise DOJ will just be clasping on straws when trial begins. Her continued detention without trial is already a travesty of justice,” ayon kay Villarin.

Sa panig ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, bagaman hiwalay anya ang mga kaso nina Espinosa at Lim sa kaso ni De Lima, hindi maitatanggi na ang mga testimonya ni Espinosa tungkol sa umano’y pagbibigay ng protection money kay dating Justice Secretary De, ay ginamit sa kaso ng DOJ laban sa senador.

“Dapat noon pa pinalaya si Senator Leila dahil mahina naman talaga yung evidence against her,” ani Baguilat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?