988
leila-de-lima
Jul 27, 2018 @ 14:01
By

De Lima binasahan na ng sakdal kaugnay ng illegal drug case

Natuloy nang basahan ng sakdal si Senadora Leila de Lima sa isa sa tatlong kinakaharap nitong kaso kaugnay ng kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).

Binasahan ito ng sakdal sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 kung saan ito nahaharap sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading na isinampa ng Department of Justice (DOJ).

Tumanggi si De Lima na tumugon sa kaso at nangatwiran na hindi niya kinikilala ang legalidad ng mga ito.

“I do not recognize the legitimacy and the validity of the charges against me. Now there are two other cases pending before the other Court, this case is completely fabricated and bogus from orchestrated lies. I refuse to enter a plea. I do not recognize these charges,” sabi ni De Lima batay sa transcript na nanggaling sa kaniyang opisina.

Alinsunod sa rules ng korte, si Judge Lorna Navarro, presiding judge, ang nagpasok ng not guilty plea para kay De Lima.

Nakakulong si De lima sa PNP Custodial Center mula pa nu’ng Pebrero 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?