91

Apr 17, 2021 @ 19:59
By

De Lima: Barko ng China hindi aalis hangga’t duwag nasa Malacañang

Naniniwala si Senadora Leila de Lima na hindi aalis ang mga sasakyang-pandagat ng China sa mga katubigan ng Pilipinas habang si Pangulong Rodrigo Duterte ang namumuno sa bansa.

“Maglilimang taon nang tuta si Duterte ng Tsina, hindi na sikreto ‘yun. At walang balak umalis ang militar at mangingisdang Tsino sa ating teritoryo hangga’t duwag at traydor ang nakaupo sa Malacañang,” tweet ni De Lima, April 17.


Sinabi rin niyang wala ginawa ang pamahalaan kundi amuhin ang China kahit niyuyurakan na ang mga mangingisdang Pilipino.

“May binangga at winasak na silang bangka ng ating mga mangingisda, itinataboy pa sila at ninanakawan ng kabuhayan. Anong ginawa ng gobyernong ito? Wala kundi amuhin pa ang Tsina,” wika niya.

“Malinaw ang ugat ng problema: Inaapi tayo dahil inutil ang Pangulo. Nalalagay tayo sa peligro dahil sa kapalpakan at kawalang malasakit ni Duterte,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?