197
ABANTE TNT roque de lima bored jail
Jan 9, 2018 @ 9:39
By

De Lima bagot na bagot na sa kulungan – Roque

Bored na bored na umano si Senadora Leila de Lima sa kanyang detensiyon kaya kung ano-ano na lang ang naiisip laban sa gobyerno.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa naging reaksiyon ni de Lima sa isyu ng federalismo at “noel” o no elections sa 2019 na patungo na umano ang bansa sa diktadurya at pananatili sa kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Roque na hindi niya masisisi ang senadora kung iyon ang naiisip sa isyu ng federalismo dahil mahirap manatili sa detensiyon ng walang ginagawa.

“She’s obviously bored while in detention that she has all these delusions already. Thoughts like that can be articulated by de Lima, because what do you do when you are stacked there in the same place, 24-hours a day with fan,”ani Roque.

Pinayuhan ng kalihim ang senadora na pakinggan ang sinasabi ng Presidente dahil makailang beses nitong sinabi na kapag nabago ang konstitusyon at may katiyakang mawawala na ang korapsiyon ay aalis na ito sa puwesto.

Nauna rito, inihayag ni de Lima na lumabas na umano ang maitim na balak ng Duterte administration sa pinapalutang na “no-el” at pederalismo kayat dapat na bantayan ang balak na manatili sa kapangyarihan ng Presidente. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?