138
De Lima tinanggi na fake news ang pag-ban ng Amerika kay Duterte, iba pa
Mar 19, 2020 @ 16:26
By

De Lima ayaw magpa-COVID test: Healthy ako!

Kung ang ilang mga senador ay nag-atubiling magpa-COVID-19 test, tumanggi si Senadora Leila de Lima na gawin ito.

Aniya, tatlong taon na umano siyang naka-involuntary quarantine sa loob ng kanyang piitan sa Camp Crame at maayos naman ang kanyang kalusugan.

“Just to be clear. I will not join my colleagues to be tested for COVID-19. I have been relatively in involuntary quarantine for the past 3 years. With God’s grace, I remain healthy,” pahayag ni De Lima sa isang statement.

Noong Martes, sumailalim na sa COVID-19 test ang karamihan sa mga senador kagaya nina Senate President Vicente Sotto III, Sens. Panfilo Lacson, Pia Cayetano, Grace Poe, Ramon “Bong” Revilla Jr., Imee Marcos at Francis Tolentino.

Wala pang resulta ang kanilang pagsusuri.

Sina Sens. Sherwin Gatchalian at Nancy Binay ay nauna nang nagnegatibo sa COVID-19 gayundin si Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang nag-iisang senador nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay De Lima, ang testing kit ay dapat ginagamit sa mga taong may sintomas sa naturang sakit. Dapat aniyang prayoridad nito ang mga person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM)

“The testing kit to be used on me is better given to a symptomatic PUI. The ideal scenario is mass testing. That is, of course, not feasible given our very limited testing kits. So let’s prioritize the testing of PUI and PUM cases, or the symptomatic patients and those exposed to them,” sambit pa nito.

Dapat din aniyang gamitin ang limitadong testing kit base sa rekomendasyon ng mga doktor at iba pang health professional.

“Hindi po puwedeng lahat na lang ng matataas na opisyales ay magpa-test kaliwa’t kanan kahit walang exposure at symptoms. Mas kailangan po ‘yang limitadong testing kits sa ating mga PUI at PUM cases,” ani De Lima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?