87
De Liano, Paras, UP pinadapa ang DLSU
Sep 25, 2019 @ 23:36
By

De Liano, Paras, UP pinadapa ang DLSU

Isang three point shot mula kay Juan de Liano ang nagsalba sa UP Fighting Maroons sa 72-71 eskapo kontra La Salle Green Archers sa 82nd UAAP seniors basketball tourney 1st round elims Miyerkoles sa Mall of Asia Arena, Pasay.

Bumida sa opensa ng State U si Kobe Paras na pumukol ng 19 points, tig-2 rebounds at blocks, saklolo si Bright Akhuetie ng 17 pts., 14 rebs., 3 assist, 2block at steal, samantalang may 10 markers, 5 boardsat tig-1 stl. at blk. si De Liano Juan.

Angat sa 5-1 win-loss ang Diliman-based hoopsters na nanatili sa segundo habang lugmok aa 2-4 ang mga basketbolistang taga-Taft, inakbayan sa pang-apat ang FEU Tamaraws.

Kontrolado ng DLSU ang buong laban 71-69 ngunit sa huling mga segundo ng fourth quarter naka-steal ni De Liano ang outlet pass ni Aljun Melecio na nagbigay tsansa para sa kanya na maka-3-point er, 7.8 ang natitirang oras.

“My team is just like a leaning a chariot with wild stallions, another one goes to the right, another goes to the left, another goes to the middle, but come winning time, they get their acts together,” suma ni coach Bo Perasol.

Bitin ang sanib-pwersa nina Andrei Caracut at Melecio na may 29 pts. May 4 boards at 2 feeds si Melecio . Pati ang 13 pts. ni Justine Baltazar sa panig ng Warriors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?