49

De Liano, Manganti, Montalbo mga putahe sa D-League Draft

Pangungunahan nina Juan Gomez de Liano ng University of the Philippines at Sean Manganti ng Adamson University ang 153 na manlalaro na sasailalim sa 2019 PBA D-League Draft ngayong Martes, Enero 15.

Bukod sa dalawang pangalan, may ilang manlalaro din sa magkabilang liga ang sasabak sa annual rookie draft na isa sa magiging exciting na D-League sa kasaysayan nito.

Maaaring makasama sa backcourt ni Juan Gomez sina Kib Montalbo ng La Salle, Anton Asistio ng Ateneo, Jasper Parker ng FEU, AC Soberano ng San Beda, Ian Alban ng Arellano, Jed Mendoza ng JRU at Orlan Wamar ng CEU.

Sa hanay naman ni Manganti, makakasama niya si ASEAN Basketball League veteran Joshua Munzon, Clint Doliguez ng San Beda, Dan Wong ng Ateneo at CESAFI MVP Rey Suerte ng University of Visayas.

Para sa big man position naman ay pangungunahan ni Santi Santillan ng La Salle kasama sina Troy Rike ng National University at Warren Bonifacio ng Mapua.

Dalawampu (20) na koponan ang nakahanay para masecure ang rights ng rookies at nasa firts pick.ngayong taon ang AMA Online Education.

Magsisimula ang panibagong season ng 2019 PBA D-League sa Pebrero 14 sa Ynares Sports Arena sa Pasig. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?