21

Sep 15, 2021 @ 23:14
By

De Leon isinahog sa Sta. Lucia coaching staff

Makalipas ang ilang taong paglalaro para sa Sta. Lucia, inirekado na sa coaching staff ng Lady Realtors si Rubie de Leon, ayon sa anunsyo ng koponan nitong Miyerkoles.

“The team is adjusting kasi. We are going to try a new strategy kasama ang new coaching staff. With this, I think mas makaka-contribute ako sa team by guiding them lalo na ang setters,” komento ng 41-taong-gulang, 5-7 ang taas na veteran setter.

Huling umaksiyon para sa team si De Leon sa Premier Volleyball League 2021 Open Conference nitong July-August sa Bacarra, Ilocos Norte, na rito’y pumanlima ang Realtors.

Pero klinaro ng former national player at UST Tigress, na hindi pa ito nangangahuligan ng kanyang pamamaalam sa playing-career.

Aasistehan ni De Leon si newly-appointed coach Edgar Barroga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?