109
De Leon ibubuhos lahat sa Game 3
By

De Leon ibubuhos lahat sa Game 3

Todo na ‘to!

Wala nang ititira si graduating middle blocker Bea De Leon sa huling laro niya suot ang Ateneo Lady Eagle jersey.

Matatandaang sinagad ng Ateneo ang best-of-three finals series matapos mapataob ang UST Golden Tigresses via 4 sets nitong Miyerkoles.

“Well, it’s our last, actually our last this time. So kami our mindset talaga, whatever happens, we keep praying na we enjoy every moment,” kwento ni team captain De Leon, may 13 points sa Game 2.

“Kasi whatever happens, whatever is next for us, we made it this far. That’s really big for us.”

Bahagi si De Leon sa huling championship ng Ateneo noong Season 77 ng Lady Eagles.

Papasok sa Game 3 sa Sabado, kakapitan ng veteran blocker ang kanyang mga teammates na may iisang layunin.

“So, talaga for us, we’re going to Game 3 with grateful hearts, with happy hearts, with love for each other and love for the game that we really, really so love, and of course trust in each other and the Lord,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?