225
De Leon, Gaston kinubra ang 5 dikit na panalo para sa Ateneo
Mar 13, 2019 @ 17:48
By

De Leon, Gaston kinubra ang 5 dikit na panalo para sa Ateneo

Apat na set ang kinailangan ng Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles bago tuluyang ipagpag ang Adamson University (AdU) Lady Falcons sa first round ng eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament, Miyerkoles, sa FilOil Flying V Centre.

‘Di umubra ang tikas ng Adamson kontra Ateneo 25-8, 22-25, 25-16, 25-10 sa tulong ni Bea de Leon na humataw ng anim na atake, apat na blocks at apat na service aces.

Abante ang Lady Eagles sa 5-1 win loss record samantalang lagapak naman ang Lady Falcons sa 1-5 baraha.

Tinapos ni skipper Ponggay Gaston ang laban mula sa atake para itala ang 5th straight win ng koponan.

Humataw si Gaston ng 16 points habang may 15 puntos si Tolentino.

“Thankful ako sa teammates ko and kay coach (Oliver Almadro) hindi rin madaling kalaban ang Adamson. They really tested us also with their floor defense,” pahayag ni Gaston.

Tatapusin ng Lady Eagles ang kanilang kampanya sa first round sa paghaharap nila ng NU Lady Bulldogs sa Marso 16.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?