49

Oct 9, 2021 @ 11:15
By

De-latang pinya ng PH puwede na sa Australia

Matapos ang 15 taon, maaari na muling makapasok sa Australia ang mga pinyang nasa de-lata mula sa Pilipinas.

Ito ay matapos alisin ng gobyerno ng Australia ang ban sa canned pineapple ng Pilipinas.

Makakapag-export na ang bansa ng mga de-latang pinya sa malaking bahagi ng Australia kapag napaso ang anti-dumping measure sa Oktubre 17 para sa consumer canned pineapple at Nobyembre 13 para naman sa food service industrial canned pineapple.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?