76
De La Salle midfielder Vergara susubok sa Utah
May 29, 2019 @ 16:39
By

De La Salle midfielder Vergara susubok sa Utah

Nakatakdang lumipad pa-Utah sa Hulyo si De La Salle University midfielder Shanden Vergara upang doon ipagpatuloy ang kanyang football career.

Ito ay matapos siyang makitaan ng potensiyal ng Sports Recruiting USA o SRUSA bilang Student Athlete Scholar para mapabilang sa 50 athletes mula sa iba’t ibang bansa.

“Because of not only his obvious fantastic football abilities but because of his desire to succeed,” saad ni SRUSA founder Chris Cousins kung bakit nila napili sa Vergara.

Ayon kay Vergara, naging masakit man sa loob ang pagkabigong makamit ang abot-kamay na sanang kampeonato sa UAAP ay napawi naman ito ng bagong oportunidad.

“You know we’ve been in the finals 2 times when I was with Zobelle and we didn’t make it. Same with this UAAP season, we’re almost there, but we failed but still good things come sa kabila nun,” saad ni Vergara.

Hangad naman ni Vergara na maging mabunga ang panibagong kabanata na ito ng kanyang buhay at magsilbing eye opener sa international stage upang makilala ang bansa bilang homegrown ng magagaling na football athletes.

“Magsisikap ako. Rare opportunity ito para someday mapunta ako sa isang famous club or if may opportunity dito as part of National team so I could give glory to the Philippines. Saka sana mas magbukas pa ito ng mga opportunities sa iba,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?