240

Dec 1, 2017 @ 14:19

De La Salle Lipa binulabog ng bomb threat

Nataranta ang mga estudyante at guro ng De La Salle Lipa matapos makatanggap ng bantang pasasabugin ang ang eskuwelahan sa isang text message Biyernes ng umaga.

“As protocol, the Institutional Safety, Security and Emergency Services Office (ISSESO) has conducted paneling and search operations in buildings and surroundings,” ayon sa tweet ng eskuwelahan kaninang alas-9:26 ng umaga.

“De La Salle Lipa is on top of the situation and has found that the vicinity is 100% clear from the said threat,” sabi pa sa tweet.

Matapos ang pagsaliksin ng mga awtoridad sa buong paaralan, itinuloy na ang klase sa De La Salle Lipa.
Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Malou Malaluan, DLSL Strategic Communications director, wala namang natagpuang bombsa sa loob ng eskuwelahan.

Aniya, ang bomb threat ay nanggaling diumano sa isang estudyante mula sa isang paaralan na gustong lumipat sa De La Salle subalit hindi naman nila tinanggap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?