30

Nov 30, 2021 @ 22:21
By

De La Hoya babanat pa sa 2022

Bulilyaso sa taong ito ang pagbabalik ring ni boxing legend Oscar De La Hoya, pero balak niyang ituloy sa Enero 2022.

“But come January, I’m sure I will get back into it and start training again and prepare mentally first. But I do want to get out there again, possible Cinco De Mayo,” aniya Lunes.

Plano ng American makipag-upakaan ilang linggo pa lang ang nakaraan, pero nadale ng Coronavirus Disease 2019 ilang araw bago ang laban niya sana kay mixed martial arts legend Vitor Belfort ng Brazil.

“Personally, right now I’m not motivated because of COVID-19. I was actually in great shape and then COVID hit me, so my morale right now is a little low in terms of me fighting in the ring personally,” hirit ni De La Hoya.

May 13 taon na rin mula nang huling tumapak sa ruwedang parisukat si De La Hoya bilang professional fighter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?